The Photography of Moonshine and Saltwater

Pin It

Surf photography in the Philippines is rare stuff even as a hobby let alone a serious effort. It is only done by a handful of passionate individuals who wants to capture the essence of the surfing highlighting the skills of our very own local surfers while amplifying the beauty of our surf spots. Lately we have been seeing great surf photos here on LokalSoul contributed by surfers and non-surfers alike and we love them all. Any photo of  Philippine surfing is a gem to us. But talking about individuals, there is one photographer that really stands out.

Enter Jeff Ganuelas and the Moonshine and Saltwater photography

in photo: marven

anthony

tanjung

Jeff is based in La Union and he can be frequently seen surfing in Urbiztondo and Car-rille. Obviously, when he isn’t surfing he produces electrifying  surf photography that leaves one’s mouth gaping in the awesomeness of the images. Kinda how my jaw is dropped right now looking at the tubes above. But wait, there’s more…

jay-ar

jay-ar

jay-ar

See, these are La Union locals that you’ve probably met and seen surfing at the beach break or at the Point . You know they’re really good, but the Moonshine and Saltwater photos makes them really goddamn good. And in our opinion, this is also one thing aside from many others what our talented locals need. Aside from the exposure and opportunities a photo can bring, although this may sound self-indulgent, these types of shots makes an individual – and this applies in any sport- more confident and hungry for excellence.

And speaking of excellence, the viewing wouldn’t be complete without shots of awesome La Union longboarding!

lemon in a photo of epic proportions

moro

marie

idol Junior

Ian

and Jeff above is an awesome longboarder too.

and pretty much the photographer, shirtless on the extreme right, is friends with everyone

There are tons more of where this pictures came from. What we posted doesn’t even scratch the surface of Moonshine and Saltwater photography. Aerials, hang-fives and hang-tens, overheads and barrels, they are all here at the Moonshine and Saltwater Facebook page. Click the link and find more awesome pictures there.

photo of Jeff by Angel Villanueva courtesy of Ely Cresensio aka Attornz

Jefferson Ganuelas offers photography services to anyone for a minimal cost. Contact him at 0927-417-3073 and add him on Facebook here. If ever you are in La Union whether you may be  a beginner, advanced surfer or even a Pro surfer you should definitely have your session documented by Moonshine and Saltwater. And with that being said, check out the stoked chic below.

Jeff shoots with a Nikon and with a sort of lens and gadgets. Moonshine and Saltwater photography everyone. Amazing photos of La Union surfing, amazing photos of Philippine surfing. These photos are too good to just scroll by. Please like and go let your friend see this. Thank you.

and hey, dude even takes pictures underwater! (photo by Nel Capila)

*huge thanks  to Jeff for trusting us with his work. action shots all credits to Moonshine and Saltwater taken by Jeff and/or by his friends for Moonshine.

SURFERS in order of appearance

barrel shots

Marven Abat

Anthony Valdez

Tanjung Fietas

aerials

Jay-Ar Esquivel (all three)

longboard (mga idol)

Lemon Dines

Moro Gandawali

Marie Aquino

Junior Ventura

Ian Saguan

Jeff Ganuelas

MORE POWER TO MOONSHINE AND SALTWATER!!!

Pin It

Isang Hapon Kasama si Mr. Pink

Pin It

Parang libro lang ni Pedro Dandan yun title. Hehe. Naisip ko kasi na magsulat sa tagalog dahil ngayung Agusto ay ang Linggo ng Wika, at nahanga ako sa bagong isyu ng Yabang Pinoy na puro tagalog ang sulat. Isa pa, para maiba naman.

Makwento ko lang, noong nakaraang Hulyo napunta ako sa sentro ng surfing sa Hilagang Pilipinas, San Juan La Union pagkatapos ng kalakasan ni Bagyong Basyang. Nakita ko sa forecast na sa La Union at sa Zambales ang magandang bigay ng alon, ngunit talagang sinadya ko dito sa LU dahil bukod sa kakagaling ko lang sa Zamba, ay matagal  na akong hindi nakakabalik sa San Juan. Paano ba naman noon punta ako ng punta pero wala palaging alon, pagod na sa biyahe hindi pa ako makapaglaro. Wala pa kasi ako alam sa mga forecast noon. Ngunit ngayong sa pag bisita ko, pinagpala na ata ako. Ang gaganda ng alon at nakapag laro ako hanggang parang bibiyak na ang aking likod.

At isa pa siguro sa mga magandang nangyari, nakilala ko si Manong Abe. Isang lokal na puno ng mga kwento at kakatawanan. Pagkagising ko sa aking siesta pagkatapos maglaro ng umaga hanggang tanghali, nakita ko sa tindahan ng Sea Nymph si Manong Abe na may hawak na Red Horse. Mahilig din ako kasi sa beer kaya naisip ko na mag isang bote muna bago maglaro ulit. Kaya’t ako’y nakipagkilala sa kanya at nag presenta na bumili ng beer namin. Dun na ang umpisa ang tawanan at kwentuhan na punong puno ng kulay – kulay Pink. Bakit Pink kamo? Sundan mo na lang ang sumunod na nangyari. Medyo magulo at kwela, pero masaya at kapupulutan din ng aral. Isang hapon kasama si Mr. Pink.

Sa tindahan ng Sea Nymph.

TJ: Ser beer po. Ang gaganda ho ng alon.

Manong Abe: Ay tawagin mo na lang akong Abe. Sa totoo lang mas kilala ako dito sa tawag na Mr. Pink.

TJ: Ah, onga ho nakikita ko sa mga pictures na mahilig kayo sa pink.

Manong Abe: (binaba ang kanyang pink na cellphone) Ah medyo lang. Kasi paborito ko yan chaka isa pa, dun ka makikilala diba. Pag sinabing Pink o ikaw na yun. Identity ba. Tanong mo kahit saan dito kung sino yun naka-pink, e ako ituturo. Yan gusto ko rin yan (sabay turo sa dumaan na naka neon green na rashguard).

Kasama rin namin si Maam Joy sa mesa, na nagpapahinga lang at nag kukwento din.

Manong Abe: Grabe pala layo ng Bali, dalawang sakay!

Ate Joy: Oo nga dalawang sakay. Ok lang naman. Anong ba mga ginawa mo sa Bali.

Manong Abe: Wala. Beer lang ako ng beer. Hahaha.

TJ: Masarap ba beer nila?

Ate Joy: Bintang yun sa kanila, wala silang San Miguel.

Manong Abe: Ah yung Bintang. Ayus lang.

litrato mula sa Facebook ni Ate Joy. Katabi ng Minute Maid yung Bintang. Oi meron pang Fanta o!

Manong Abe: Walang hiya. Alam mo kapag nasa Indonesia ako, akala talaga nila local ako. Kinakausap nga ako ng Indonesian. Wala ako maintindihan. Pag nasa Bali ako, akala nila taga Java ako. Pag nasa Java naman, akala taga Bali lang ako.

(tawanan)

Joy: E manong ilan taon ka na nga bang instructor dito satin.

Manong Abe: Ah kung susumahin mo, one month.

(tawanang malakas na malakas)

Manong Abe: Kasi dati hindi talaga ako marunong mag surf. Nood nood lang. Yung mga bata lang nag lalaro. E shempre  ok din na makapagturo ka diba. Maglaro ka na tapos kikita ka pa. Madali mag turo kaso shempre kelangan mahusay ka rin. Baka sabihin ng tinuturuan mo, “sige nga ho pakita nyo kung pano”, tapos hindi ka pala marunong. Edi patay na (tawanan). Inaral ko ng inaral hanggang sa matuto. O tignan mo andyan na yung mga koreano (sabay turo sa mga turistang mga koreano).

Manong Abe: Sa lahat talaga ng tinuturan ko, yang ang pinakamahirap. Ay talaga. Tignan mo yun board o, hinahatak sa buhangin sisirain yung fins! (sabay turo sa koreano na hinahatak yun long board  sayad na sayad sa buhangin, tawanang malakas na malakas).

Manong Abe: Pero ok lang yan. Dito talaga kasi mababait ang mga tao. Respeto lang naman sa mga lokals. Pero pag andito ka aalagaan ka talaga. Walang problema kung ano man.

Ate Joy: Ako naman tubong Davao talaga…

Manong Abe: O anong ginagawa mo dun, taga hukay ng Durian?

(tawanang malakas)

Meron dalawang sexy na kababaihan na napadaan at bumati.

Chicks: Kuya Abe! O ano na!

Manong Abe: Oi kmusta kayo. (sabay tingin sakin)

Manong Abe: Mga guests ko yan. Minsan nakiki-jamming jamming sila.

TJ: Naks naman.

(tawanan malakas na malakas)

TJ: Manong may Facebook ho ba kayo?

Manong Abe: Meron pero hindi ko alam. Tanong mo na lang sa “staff” ko.

(tawanang sobrang malakas)

Manong Abe: Oo nga. Staff ko nag bubukas nun. Tinatamad ako sa mga ganyan. Tignan mo nlng ako sa YouTube. Hanapin mo San Juan, La Union andun ako. Naka pink.

(tawanan ulit)

ito yung video ni Manong Abe, nag lelessons at pink na pink!

Umalis na si Ate Joy. Marami rin syang magagandang naibahagi, saka ko na ikukwento. Naupo naman si Junior.

Manong Abe: Itong si Junior. Mabait to. Mabait na bata. Wala ako masasabi. Mabait to talaga. Si Junior yan. Mabait talaga to.

Junior: tahimik lang, awkward moment.

(tawanan malakas)

Manong Abe: (Sumitsit sa ibang mga instructors) Ok na ba? Magtuturo na ko!

Manong Abe: Yung mga tinuturuan ko naman walang problema kung nakainom ako o kung ano man. Importante safety parin talaga. Hindi ko sila pababayaan. At saka sinasabi ko na nakainom ako, sinasabi naman nila ok lang, kasi nakainom din sila. Hahaha.

(tawanan)

At yung na nga. Nagtayuan na kami upang bumalik sa pag surfing. Si Mr. Pink ay lumapit na sa kanyang mga tuturuan. Normal lang. Parang hindi nakainom. Ako naman, nagtali na ng leash at nag paddle na sa lineup. Habang nagiintay ng alon natatawa parin ako sa sarili ko sa mga napagkwentuhan. Nakikita ko rin si Manong Abe mula kung nasaan ako, naka pink na Zinka Nosecoat at naka pink na shades. Cool na cool. Tama nga ang pilosopiya niya. Dahil sa dinami dami ng makukulay na karakter na makikilala mo sa beach at sa pag susurf, katangi-tangi talaga ang kulay nya at tatatak na sa isip mo si Mr. Pink. Talagang isa sya sa mga lokal ng Urbiztondo na punong puno ng kulay, sa loob at sa labas. Sa inyong pagbisita siguradong mapapansin ninyo si Manong Abe. Kung sakaling makita nyo sya, bigyan nyo ng high-five at sabihin nyo na nakita nyo sa sya sa YouTube. Iyon ay magandang simula ng kwentuhan.

hindi ko lang natanong, kung maka Manny Villar din sya :)

*Sanay nagustuhan nyo ang aking sulat na tagalog. Halatang hindi sanay ano? Malayong malayo kay ginoong Pedro Dandan. Hehe. Pero itong latest magazine ng Yabang Pinoy ay maganda ang pagkakasulat at maraming magandang litrato. At tungkol ito sa surfing! I-download nyo dito:

http://www.yabangpinoy.com/magyp/MAGYP3RDISSUE.zip

Hanggang sa muli! Harinawa ay magkita-kita tayo sa lugar kung saan hinihintay ang alon (lineup) at sumagwan gamit ang mga braso’t kamay (paddle) upang tumayo sa mahabang kahoy para masakyan ang mga alon (surfing) hanggang umabot sa pangpang (long ride). Ang sarap sa kaluluwa na hindi ko mawari! (stoked).

*thanks Mimi Domingo sa pics at sa Agos Pilipinas :)

Pin It