Soul Surfing Samar by Domcar Lagto

Pin It

Batangas local Domcar Lagto has been surfing and skimming the secret spots of Nasugbu with relentless passion. He is very active in the community tirelessly promoting water sports in his hometown via organizing the biggest surf and skim festivals. And even on a normal day, one would still find the guy waiting for a wave until the sun sets on his back. A lokal indeed. Today, Domcar is nice enough to share a recent surf trip he had this year that he considers unforgettable. With pictures and a few words, let us live vicariously thru this experience because we all know that somewhere within, travel is in our hearts.

____________________________________________________________________________

LEYTE/SAMAR SURF TRIP

“Nag-umpisa ang lahat sa hindi inaasahan subalit naganap. Ito na marahil ang pinakamasaya at hindi malilimutang kaganapan sa pagpunta ko sa ibang lugar. Simula sa schedule pa lamang ay kakaiba na hanggang sa mga susunod pang mga hindi inaasahang eksena, mga nakakatawa, Minsa’y nakakainis subalit enjoy parin dahil sa tawaman at kakaibang bonding, sigawan sa daan kapag-umuwi na.

Mga kakaibang sasakyan para makapunta sa lugar na inaasam old school passenger bus, pot-pot at habal-habal (stoked talaga), Mga lokal na walang katulad sa kabaitan na sadyang dadamayan ka’t aalagaan hanggat kaya nila, bagong experience at mga taong nakakasama sa pitong araw na adventure.

Mga taong nagbigay ng inspirasyon para magawa ang bagay na ito, mga taong naging impluwensiya para mabuo ang konseptong ibahagi ang nalalaman at mga bagay na mabuti upang lumago ang pagkatao, sa taong nagbigay ng sama ng loob subalit nakatulong upang makapag-isip ng mga bagay bagay. Lalong higit sa community ng surfing, skimboarding at skateboarding na nagdala sa amin sa lugar na ito.”

GUIAN, SAMAR

GUIAN, SAMAR

GUIAN, SAMAR

GUIAN, SAMAR

GUIAN, SAMAR

“Kailangan talagang maghintay kahit saang aspeto. Laro man ito o pakikibaka sa hamon ng mapanubok na buhay, dapat rin magtiis at maghintay upang makamit ang inaasam na tagumpay. Parang surfer nasa na line-up na hinihintay ang pagdating ng magandang alon upang sakyan at laruin hanggang makalayo… kung susuko ka.. talo ka! Subalit kapag mahintay mo’t dumating din.. dapat wag mong palampasin at hayaang dalhin ka sa rurok ng iyong tagumpay.”

good morning

END

______________________________________________________________________________

We would like to thank Domcar for trusting and sharing the photos to LokalSoul. Do contact him for anything Nasugbu, whether it be surfing, skimboarding and skateboarding. Visit Guiuan, Samar thru the group Samar Surf. But please don’t forget to invite us, Calicoan is part of our dream destinations in Philippine surfing.

*Do you have stories to tell? Do you secret spots to share? Anything really. Please contact LokalSoul and share the stoke to everyone. Peace, love and surf. Thanks.

Pin It