Isang Taon na ang LokalSoul!

The First Stoke
June 4
Save Philippine Seas
June 9
Show all

Isang Taon na ang LokalSoul!

(walang Jerry samin kinuha ko lang sa Google yan. astig no?)

Happy Birthday to us! Maraming salamat una sa lahat sa mga nag contribute sa LokalSoul. Hindi na po namin kayang isa-isahin pero kilala nyo kung sino kayo. Malaking malaki ang utang namin sayo dahil kung wala kayo, wala kaming malalagay sa blog. Pangalawa, maraming salamat sa mga Facebook friends namin na walang sawang nag lilike ng mga posts at ng kung ano ano pang kalokohan na pinaglalalagay ko. Pangatlo, salamat sayo na nagbabasa nito. Dahil sayo kaya isang taon na may sigla ang aming pagsusulat.

It’s getting better man, sabi nga ng isang kanta. Noong una ay wala kaming ka idi-idea kung paano sisimulan at tatahakin ang pag baba-blog. Pero the way manifested itself and somehow nakatagal kami ng isang taon na may masasabing magandang mga bababasahin about sa bagay na mahal na mahal nating lahat. SURFING.

Dapat ho ay may malaking celebration ang LokalSoul. Balak namin gumawa ng event at magpainom at magpatugtog ng live bands. Kaso wala ng panahon mag organize. Sayang nga, hayaan nyo next time mag iinuman tayo habang tumutogtog ng reggae ang mga favorite nating banda.

But wait! Magpapainom kami in the way we do best. Online! This is for you my friends. Sana ay tumagal pa ang LokalSoul at sana andyan ka parin. Kita kits sa line-up ha. Baler, Zamba, La Union, Daet, Siargao, Catanduanes, Samar, Pagudpud, Mati, Tandag, Real, Gubat, Badoc (pupuntahan ko talaga yan promise) at kung saan ka man naroroon, let us share the same stoke at kung magkakalayo man tayo, sana sa LokalSoul ay we are one and we enjoy the stories of reality. That surfing in the Philippines is the best! Inuman na!

Dito ang spot ang inuman

open bar tayo!

meron tayong Inihaw na Panga ng Tuna dyan

at Crispy Pata

syempre meron tayong ice cold Pale Pilsen dyan mga brader

hingi lang kayo sa promo girls natin ha, sila bahala sa inyo hahay!

at maya mayang unti, tutugtog ang Slightly Stoopid!

O nalasing ba kayo? Maraming salamat sa pagdalo. Next year promise mag magarbo ang celebrasyon!

4 Comments

  1. tagadavaoko says:

    hahahahha congrats guys!! 🙂 see u in siargao this september 🙂

  2. rastaman says:

    Happy 1st stoked year anniv lokal soul !

    more power to lokal soul and pinoy surfing !

  3. lokalsoul says:

    maraming salamat rastaman. live up rasta!

  4. lokalsoul says:

    haha thanks! but wala pa kaming tickets huhuhu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *