si Kuya Nano ng La Union

2010 Siargao International Surfing Cup Winners!
September 29
lokal music: LOVE IS THE ANSWER by Jeck Pilpil of Peace Pipe
October 13
Show all

si Kuya Nano ng La Union

12:30 ng tanghali. Siesta time. Sa mga ganitong oras matatagpuan si Kuya Nano sa kanyang pwesto na nagpapahinga at pa relaks relaks muna. Mainit ang araw at mainit din ang haplos ng hangin. Pero sa silong ng kanyang tent, ang sarap matulog. Mahimbing. Lalo na kapag bagong kain ka mula sa isang matinding kagutuman. Yung tipong pagkainom ng coke, isang mahabang dighay at direcho bagsak. Off to meme land we go. Pag gising mo naman ay tila ba meron kang bagong lakas. Isang hikab at isang stretch ready ka na ulit mag laro. Aakalain mo na matagal ka ng nakatulog. Yun pala wala pa palang 45 minutes ang nakalipas. Pero solid, sapat na sapat na yon. At wala naman siguro halos pagkakaiba ang mga buhangin sa Pilipinas kundi sa kulay at pino. Dito sa pwesto ni kuya Nano, it’s as good as beach sand can get.

Si Nano ay lokal ng Urbiztondo na nagbibigay ng surf lessons and nag papa-rent ng surfboards. Hindi mahirap mahagilap ang tent nya. At marahil siguro ay nakita nyo na ang “iconic” na sign board na ito kung kayo ay napabisita na o di kaya’y tumingin sa kay rami-raming litrato na kuha sa La Union. Sa kanya pala ito ano. P200 pesos kada oras ang bayad sa board rental. Kung half day naman P400. Para sa surf lessons, P200 sa board at P200 naman sa instructor per hour. Ito ay wasto lang sa mga presyong napagkasunduan ng mga taga-La Union. Nais nila na pantay-pantay lang ang rates para pantay-pantay din ang oportunidad sa bawat isa. Magandang panukala. Yun nga lang, natural na nagkakaroon ng advantage ang isa pagdating sa diskarte sa marketing at exposure. Aminado si kuya Nano na talo sya sa mga ibang may pangalan dahil bukod sa sikat ay nasa Internet pa sila. Doon daw nakakakuha ng maraming customer. Yun lang, hindi daw nya alam kung papaano gawin ‘yon. Ganun pa man isang bagay ang kanyang ikinakatutuwa – na sya ay walang sawang binabalik-balikan ng kanyang mga naturuan. Sa tuwing makikita ni Nano na natututo at gumagaling ang kanyang estudyante, may sense of pride narin syang nararamdaman.

Matagal na si Nano sa La Union. Naglalaro na sya ng surfing noong halos mga bata pa ang kasalukuyang champions ng LU. Sa paglipas ng maraming taon, sa dagat parin matatagpuan ang ating butihing lokal. Ngunit sa panahong ito, mas busy si Nano sa pagtataguyod ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng kanyang munting business. Madaling araw palang ay nagwawalis na sa kanyang pwesto si Nano. Sa paglaon ng araw at sa konting paghihintay, kusang dumarating ang mga customers. At seryoso sa pagtuturo itong si Nano ha. Nais nyang ma-experience ng beginner ang hirap na dapat pagdaanan. Nais nyang ituro na ang surfing ay hardwork. Paddle and paddle hard. Ang kasiyahan ng surfing ay hindi lamang sa pagtayo, kundi sa hirap na pinagdaanan upang makapaglaro sa mga alon. May kasabihan na “mas masarap, kapag pinaghirapan”. Yung marahil ang nais nyang mapahiwatig. Masuwerte ang matuturuan ni Nano ng surfing. Kung sakali kayo ay magagawi sa La Union at naghahanap ng lessons at board rentals, kay Nano, you’re in good hands kung baga.

*Isang araw sa La Union kinupkop nya ang isang hindi kilala na tanging dala ay tent at surfboard. Inayos nya pa ang kanyang stand upang doon makasilong laban sa ulan at lamig ng gabi. Pambihira ang kabaitan. Kaya’t siguro bilang ganti ay ginawa ko itong blog post para sa kanya. Dahil kung Internet ang problema, palagay ko kahit papano meron tayong maitutulong dyan. Samantala, marahil pamilyar ngayon ang scenario sa La Union. Maalon, ma-araw, matao at ubod ng saya. At si kuya Nano ay nag-hihintay lamang sa kanyang pwesto para sa mga dadating, bago man o mga kakilala na. Bandang 12:30 pipikit yan, pagkatapos tuloy na ang araw muli.

*salamat sa aming kaibigan na si Darwin at Candice Zialcita para sa mga pictures. kami ang mga “ampon” ni kuya Nano noong isang araw na iyon sa LU.

3 Comments

  1. […] working Kuya Nano was featured here at LokalSoul, and here he is listening carefully to […]

  2. […] Last weekend I brought my friend, Bryce, to La Union where he learned how to surf for the first time. Bryce’s goal for the weekend was to conquer his FEAR: The sea!!! And he did an awesome job. We surfed in Bacnotan over the whole weekend because waves were just too strong in Urbiztondo. Bacnotan had small gentle waves for beginners so it was  perfect! By the third day, Bryce was already surfing on his own (with his awesome guide, Nano). […]

  3. […] if the beach break is unsuited for teaching. I went directly to the one and only Kuya Nano (read our feature about him here) and he immediately asked how many people are going. This is how our conversation went and this is […]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *