SIARGAO SURFERS: the lokalsoul interviews (pt 3)

2010 Siargao National Surfing Cup Winners!
September 23
2010 Siargao International Surfing Cup Winners!
September 29
Show all

SIARGAO SURFERS: the lokalsoul interviews (pt 3)

continued from part 2

THE SIARGAO SURFERS

Name: Carlito “Intsik” Nogalo
Born: July 10, 1984
Hometown: Siargao Island
Favorite Spot: Cloud 9
Weapon of choice:
5’10” round tail
Stance: Goofy or Right : Right
Favorite Move/Trick: Re-entry
Favorite Movie: Cartoons
Favorite Actor/Actress: Angelina Jolie, Arnold Schwarzenegger
Favorite Music: Andrew E.
Favorite Videoke Song: Open Arms
Favorite Food: kinilaw, sinugba, grilled fish
Least Favorite Food: ayaw ko nang mapait at maalat
Favorite Alcohol: beer

*Hello Instik. Uhm matanong lang ano, may chinese blood ka? Haha. Tawag lang sakin yan kasi singkit daw mata ko.

*Tsik, para sayo ano ang masayang parte ng pag susurfing dyan sa isla? Ang pinakamasaya ay marunong ako mag barell at tube sa Cloud 9. Iba talaga ang feeling mo pag nasa loob ka talaga…

*Sarap nga naman. Ngunit bago ba sa surfing, ano ba pangarap mo nung bata ka? Maging police.

*Ok sir. Kelan ka unang humawak ng board at lumusong sa alon? 1998.

*Dun ba ay naramdaman mo na, na magiging surfer ka? Oo dun mismo noong unang un.

*Paano ka mag practice at gaano kadalas ang paglalaro mo? Sa isang araw dalawang beses ako mag practice. Doon, ini-enjoy ko lang ang sarili ko.

*Tsik, sa buong paglalaro at pamamalagi mo sa mundo ng surfing, napaibig ka na ba? Haha. Matagal na akong umiibig pero ang iniibig ko ay hindi kami nagkatuluyan. Awww…

Ok game.

*Carlito matitindi ang competition ngayon sa Siargao. Ano klaseng paghahanda mo para sa mga laban na ganito? Concentrate lang ako sa pagsusurf ko at may fighting spirit ako sa water at nag ppray ako na may magandang alon at aggressive din sa tubig.

*Kinakabahan ka ba pag araw na ng comp? Pag wala pa heat nakakabahan pag nasa tubig nawawala na ang kaba.

*Kapag heat mo na, ano ang mindset mo? Sana na makakuha ako nang alon kahit dalawa lang at hindi ako mahulog.

*Saan mo masasabing lamang si Instik pagdating sa paglalaro? Siguro sa tricks at style

*Ngayon na buwan ng mga competitions, ano ang battle plan mo at ano ang i-eexpect ng mga manonood at fans mo sayo? Na sana ay manalo ako sa lahat nang heats ko ; magdadasal lang ako at sana hindi sila umabot sa heat nila…hehehehe.

*Tsik, ano ang surfing para sayo? Lifestyle, ikaw lang makagawa nang feeling mo pag nag susurf ka.

*Ito a ba ang gusto mong gawing habang buhay? Oo parang eto na nga kasi favorite sport ko ang surfing… at masaya talga ako.

*Maraming salamat Tsik! Medyo late na to pero congrats sa pagpanalo mo ng 2nd place sa National Cup. Good luck sa Internationals!

***


Name: Katarina Escamillan
Born: June 8, 1992
Hometown: General Luna, Siargao Island
Favorite Spot: Cloud 9
Weapon of choice: 5’9x18x2 “secret spot” surfboard
Stance: Right
Favorite Move/Trick: Cutback
Favorite Movie: Twilight
Favorite Actor/Actress: __
Favorite Music: Underneath it All – No Doubt
Favorite Videoke Song: Ironic by Alanis
Favorite Food: Crabs, Prawns and Chicken BBQ
Least Favorite Food: No Cholesterol!
Favorite Alcohol: Red House

Questions:

*Hi Kat. So you’re only like 18 years young. Kelan ka nag start mag surf? Ah that’s 2 years ago. Nag start ako ng surfing thru’ to my friends

*Wow 2 years ago lang. Dun ba na feel mo na magiging surfer ka? Oo kasi sa first time ko na nagsurf parang masaya nako. Doon nag start na parang na addict na ako. hihi.

*So gaano ka na kadalas mag laro ngayon? Sa ngayon pag hindi ako sa busy sa work naglalaro ako ng surfing or before work I get up to surf around 4am.

*Pero kung hindi ka surfer ngayon, ano siguro ang ginagawa ni katarina. Work-work, Party-party!

*Kat direcho na to. Have you ever fallen in love? Oo pero hindi pa ako seryoso sa ngayon…

*Sumasali ka ba sa mga competitions sa isla? Sorry hindi ako nagcocompete. Sa akin lang pag nakalaro na ako masaya na ako. Hindi ko type magcompete nahihiya kc ako pag maraming tao ang nakakakita :p

*Wow soul surfer ka pala. Maari bang sabihin mo sa amin king ano ang surfing para sayo? Surfing is my second life. No doubt i love surfing more than anything else!

Great answers Katrina, parang pang Miss Universe pero work-work at party-party ang sagot at hindi major major.  Salamat sa interview!

***


Name: Genelo “Eloy” Nogalo
Born: November 4, 1983
Hometown: Siargao Island
Favorite Spot: Cloud 9
Weapon of choice: 5’’8” round tail
Stance: Right
Favorite Move/Trick: Barrel
Favorite Movie: Tom and Jerry
Favorite Actor/Actress: Jericho Rosales ; Maja Salvador
Favorite Music: Jack Johnson
Favorite Videoke Song: Wonderful Tonight
Favorite Food: Ginamos with kamatis
Least Favorite Food: yung mga nakakahilo like fish na butete
Favorite Alcohol: San Mig Light

Questions:

1. Hello Eloy! History na namin tanunging kung ano ang background sa mga nicknames ng mga surfers. Ano naman ang kwento ng sayo? Tawag lang nang barkada nakalimutan ko na kung sino bumansag sakin. Mga kaibigan nag kantyaw sa kin na “flat nose” kinombine lang mga salita pangalan ko dati loloy. Ewan ko kung bakit ba naging Elo. hehehe.

*Ahahaha. Ano naman pinaka masayang nangyari sa buhay mo sa isla Eloy? Party night sa 9 Bar!

*Kelan ka unang humawak ng board at lumusong sa alon? 1996 December umaga yun.

*Dun ba ay naramdaman mo na, na magiging surfer ka? Oo! Natural!

*Paano ka mag practice at gaano kadalas ang paglalaro mo? Minsan abot nang 3 oras. Yoga lang tapos stretching.

*Ah bago dumating ang surfing sa buhay mo, ano ang pangarap mo nung bata ka? Makatapos nang pag aaral at makamit ang pangarap sa buhay. Ay ay!

*Loy, umibig kana ba? Dalhin mo kami dyan sa yugto ng buhay mo na usapang puso-puso. Umibig na. I’m in love to someone.

*Yez. Ano naman masasabi mo sa hiwalayang Kris Aquino at James Yap? Hindi lamg sila siguro nag kakaintindihan sa isat isa. Hehehe.

Ok Seryoso na.

*National Cup, Cloud 9 Masters, Internationals – anong klaseng paghahanda mo para sa mga matitinding competition na ganito? Matulog nang maaga, kumain nang wasto.

*Ano ang pakiramdam sa mismong pagdating ng competition day? Minsan natatakot.

*Kapag heat mo na, anong nasa isip mo habang nasa tubig? Ang manalo!

*Sa tingin mo Eloy, saan ka masasabing mahusay? Barrel.

*Malapit na ang competitions ulit, ano ang battle plan mo at ano ang i-eexpect ng mga manonood at fans mo sayo? Kinokondsyon yung katawan ko. Practice lang minsan pag maganda ang alon.

*Pero kung hindi ka surfer ngayon, ano siguro ang ginagawa ni Eloy? Cguro adik ako..heheh joke…mag party lang cguro at naglalakwatsa.

*Hahaha. At para sa huling katanungan… ano ang surfing para sayo? Surfing is my religion.

Maraming salamat Eloy! Nakakaaliw ang mga sagot mo hahaha. Sana magkita tayo syan sa isla at pumarty!

***

More interviews to come? Sure. For now, that completes our Siargao interviews. Again we would like to thank Kitya Ferrer and all the surfers who’s game enough with our not-so-professional interviews. Good luck to all of them in their careers. Okie rah!

3 Comments

  1. anda says:

    Nice loy:-)pwde m bang ma interview ang mga locals ng Catangnan like Dodo yok and alipayo bro.esama m pate mga si martin.hehehe.Thanks

  2. lokalsoul says:

    salamat loy. oo ba! tulungan mo ba kami. send ko ko questions sa email mo tapos pasagutan na lang sa kanila. tapos penge rin pictures 🙂

  3. Hi,kat how r u isa kna palang surfer ngnaun.truan m naman aq.hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *