SIARGAO SURFERS: the lokalsoul interviews (pt 2)

Pin It

continued from part 1

THE SIARGAO SURFERS


Name: Manuel “Wilmar” Melindo
Born: October 26, 1976
Hometown: General Luna, Siargao Island
Favorite Spot: Cloud 9
Weapon of Choice: 5’4 fish tail
Stance: Goofy
Favorite Move/Trick: round house, re-entry
Favorite Movie: surfing movies
Favorite Actor/Actress: Johnny Depp
Favorite Music: Kamaggong Wadub
Favorite Videoke Song: Kanlungan
Favorite Food: Ginamos, Kinilaw, shotokil, buyad
Least Favorite Food: litson
Favorite Alcohol: Tanduay

Questions:

*Magandang araw Wilmar! Marahil ikaw ay isa sa mag tinuturing na pinakamagaling sa Pilipinas. Ewan, cguro barell pero hind ako ang pinakamagaling.

*Marajaw loy! Teka tama ba?: Pare- Loy; Astig- Grabe ka ayus, Kagana; Cool- Marajaw. haha.

*Bakit Wilmar ang tawag sayo? Pangalan nang magulang ko hinati- Manuel at Marilou.

*Bago sa surfing, ano pangarap mo nung bata ka? Maging artista (actor)

*Kelan ka unang humawak ng board at lumusong sa alon? After highschool – 1995

*Dun ba ay naramdaman mo na, na magiging surfer ka? Uhmmm oo… (sabay dilat ang mata) Naaalala ko dati sa tv ko lang nakikita, tapos dito lang pala sa Isla ang surfing matatagpuan.

*Paano ka mag practice at gaano kadalas ang paglalaro mo? Dati hiram lang nang board, walking from General Luna to Cloud 9. Araw-araw ako nag susurf.

*Pero kung hindi ka surfer ngayon, ano siguro ang ginagawa ni Wilmar? BMX rider.

*Meron na bang “special someone” si Wilmar? May gf na ako pero mas mahal ko ang anak ko at alon.

*Medyo sensitibo ang sunod na katanungan, dahil ito ay usapang pag-ibig… Dapat bang maghiwalay na ng tuluyan si Kris Aquino at James Yap? Haha! Maghiwalay na sila kasi marami na si Kris anak.

Ok Seryoso na.

*Anong paghahanda ang ginagawa mo sa panahon ng mga mabibigat na competitions? Pop ups everyday, stretching, yoga, martial arts (arnis).

*Ano ang pakiramdam sa mismong pagdating ng competition day? Masaya kasi makikita ko at makikilala ang mga pro.

*Kapag heat mo na, anong nasa isip mo habang nasa tubig? Kinakabahaan kasi daming taong nanonood.

*Malapit na ang competitions ulit, ano ang battle plan mo at ano ang i-eexpect ng mga manonood at fans mo sayo? Wala akong plan.

*Ano ang surfing para sayo? Langit.

Cool na cool ang interview natin Wilmar. Maraming salamat. Sana magpanood ka namin habang bumubutas sa Cloud 9!

***


Name: Rodolfo “Osot” alcala
Born: June 30, 1984
Hometown: General Luna Siargao Island
Favorite Spot: Cloud 9
Weapon of Choice: 6’0, DHD
Stance: Regular
Favorite Move/Trick: Barrel Master
Favorite Movie: Sarah Ang Munting Princesa
Favorite Actor/Actress: Tom Cruise and Angelina Jolie
Favorite Music: Jack Johnson
Favorite Videoke Song: Narda
Favorite Food: ginamos at saging
Least Favorite Food: eel
Favorite Alcohol: tuba

Questions:

*Osot! Nasa Siargao ka, nasa Mandaluyong ako, pero kunwari magkainuman lang tayo sa isla. Una sa lahat salamat sa pag-unlak sa aming interview. Kelan nga ba unang humawak ng surfboard si Osot at noon ba mararamdaman mo na magiging surfer ka? Ah 1996 yon, hindi ko pa naisip kasi bata pa ako nun.

*Bakit osot ang tawag sayo? Palayaw lang ng mga barkada ko haha.

*Noong bata ka, ano ba ang pangarap mo? Maging seaman.

*Sot, umibig kana ba? Dalhin mo kami dyan sa yugto ng buhay mo na usapang puso-puso. Oo last year ten years na, tapos naghiwalay na kami.

*Ganun ba. Eh ano masasabi mo sa hiwalayang Kris Aquino at James Yap? Hindi makuntento si James. Sana pag-usapan na lang nila para mag kaayus sila.

Ok Seryoso na.

*Parating na ang mga competitions. Anong paghahanda ang ginagawa mo? Mag laro lang araw araw.

*Kapag sa mga panahong ganito, ano ang nararamdaman mo? Medyo excited.

*Kapag heat mo na, anong nasa isip mo habang nasa tubig? Mag dasal na sana manalo, sana walang mangyaring masama.

*Ano sa palagay mo ang katangi-tanging galing ni Osot. Barrel master ako.

*Ano ang surfing para sayo? Surfing is my life.

*Malapit na ang competitions ulit, ano ang battle plan mo at ano ang i-eexpect ng mga manonood at fans mo sayo? Tirabenta!

Maraming salamat barrel master! Bigyan mo kami ng isang magandang barrel ride mga 10 minutes hahaha!

Wilmar and Osot

***


Name: John Mark “Marama” Tokong
Born: September 29, 1996
Hometown: Siargao Island
Favorite Spot: Cloud 9
Weapon of Choice: 5’0” round tail
Stance: Right
Favorite Move/Trick: Re-entry
Favorite Movie: cartoons
Favorite Actor/Actress: wala
Favorite Music: Jack Johnson
Favorite Videoke Song: wala hindi ako nag vivideoke
Favorite Food: sinugba, kinilaw at tinola
Least Favorite Food: mapait na pagkain, skabetche hindi ko gusto!
Favorite Alcohol: hindi (bata pa)

Questions:

*Apir tayo John Mark. Sa mura mong edad, ano pinaka masayang nangyari sa buhay mo sa isla? May surfing dito sa isla at nakapag surf ako.

*Bakit “Marama” ang tawag sayo? Kasi daw marama ako, yung wais ako sa alon.

*Bago dumating ang surfing, meron ka bang ibang pangarap? Maging PNP.

*Kelan ka unang humawak ng board at lumusong sa alon? 6 years old pa ako

*Dun ba ay naramdaman mo na, na magiging surfer ka? Oo kasi sabi ko na feeling ko na surfer na ako.

*Paano ka mag practice at gaano kadalas ang paglalaro mo? Minsan araaw araw minsan hindi.

*Marama ikaw ba ay nagka-crush na? Oo.. meron akong crush.. pero secret yun!

*Masaya ang surfing, pero ano ba ang mga malu-lungkot na araw sa isla? Yung walang alon at saka yung may skul kasi ayaw ko pumasok.

*Pag may competition, paano ka mag train? Surfing everyday, at saka hangout with everybody. Kumakain nang masustansyang gulay.

*Ano ang pakiramdam sa mismong pagdating ng competition day? Excited at fun lang.

*Kapag heat mo na, anong nasa isip mo habang nasa tubig? Sinasabi kong kaya ko to pastilan kaw…

*Ikaw ngayon marahil ang tinuturing na isa sa mga or kundi ang pinakamagaling na…. ? Pinakamagaling na grommet! haha.

*Pero kung pano hindi ka surfer ngayon, ano siguro ang ginagawa ni marama? Mag pi-PNP. hahaha.

*Malapit na ang competitions ulit John Mark, ano ang battle plan mo at ano ang i-eexpect ng mga manonood at fans mo sayo? Kung mananalo ako sana pumalakpak sila sa akin

*Nararamdaman mo na paglaki mo magiging magaling kapa? Oo nafeefeel ko na makaka punta pa ako sa maraming surf spot at mag compete din sa ibat ibang lugar.

*Saang ibang spot ka nag surf aside sa Siargao? Baler, La union, Lanuza.

*Ano ang surfing para sayo? Surfing is life.

*Eto na ba ang gusto mong gawing habang buhay? Oo kasi yung surfing kung iiwanan ko masakit sa aking puso kasi yun ang favorite ko.

John Mark aabangan namin ang career mo. Nasa mga batang kagaya mo ang future na Philippine surfing. Todo suporta kami sayo!

MORE INTERVIEWS TO COME! STAY TUNED!

Pin It

You may also like...

8 Responses

  1. Go marama.. go buddy!! :) ) hahaha!

  2. natnat says:

    marukoy gyud oh’ hahaha! pagdako aning bataa perti ni ka anad ay. :D

  3. steve says:

    got a couple of good pics of marama you might want to add to this section. one drop and one of marama in the barrel… will email.

  4. lokalsoul says:

    woah Steve. please do! lokalsoul@gmail.com

  5. migs says:

    great place …tag me on your posts

  6. lokalsoul says:

    sure thing Migs, please do add us up in Facebook!

  1. September 23, 2010

    [...] continued from part 2 [...]

  2. July 7, 2011

    [...] our much read classic Lokalsoul interviews with the Siargao surfers, Osot revealed a lot about his personality and talked about the barrel as his top arsenal in [...]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>