Isang Hapon Kasama si Mr. Pink

Pin It

Parang libro lang ni Pedro Dandan yun title. Hehe. Naisip ko kasi na magsulat sa tagalog dahil ngayung Agusto ay ang Linggo ng Wika, at nahanga ako sa bagong isyu ng Yabang Pinoy na puro tagalog ang sulat. Isa pa, para maiba naman.

Makwento ko lang, noong nakaraang Hulyo napunta ako sa sentro ng surfing sa Hilagang Pilipinas, San Juan La Union pagkatapos ng kalakasan ni Bagyong Basyang. Nakita ko sa forecast na sa La Union at sa Zambales ang magandang bigay ng alon, ngunit talagang sinadya ko dito sa LU dahil bukod sa kakagaling ko lang sa Zamba, ay matagal  na akong hindi nakakabalik sa San Juan. Paano ba naman noon punta ako ng punta pero wala palaging alon, pagod na sa biyahe hindi pa ako makapaglaro. Wala pa kasi ako alam sa mga forecast noon. Ngunit ngayong sa pag bisita ko, pinagpala na ata ako. Ang gaganda ng alon at nakapag laro ako hanggang parang bibiyak na ang aking likod.

At isa pa siguro sa mga magandang nangyari, nakilala ko si Manong Abe. Isang lokal na puno ng mga kwento at kakatawanan. Pagkagising ko sa aking siesta pagkatapos maglaro ng umaga hanggang tanghali, nakita ko sa tindahan ng Sea Nymph si Manong Abe na may hawak na Red Horse. Mahilig din ako kasi sa beer kaya naisip ko na mag isang bote muna bago maglaro ulit. Kaya’t ako’y nakipagkilala sa kanya at nag presenta na bumili ng beer namin. Dun na ang umpisa ang tawanan at kwentuhan na punong puno ng kulay – kulay Pink. Bakit Pink kamo? Sundan mo na lang ang sumunod na nangyari. Medyo magulo at kwela, pero masaya at kapupulutan din ng aral. Isang hapon kasama si Mr. Pink.

Sa tindahan ng Sea Nymph.

TJ: Ser beer po. Ang gaganda ho ng alon.

Manong Abe: Ay tawagin mo na lang akong Abe. Sa totoo lang mas kilala ako dito sa tawag na Mr. Pink.

TJ: Ah, onga ho nakikita ko sa mga pictures na mahilig kayo sa pink.

Manong Abe: (binaba ang kanyang pink na cellphone) Ah medyo lang. Kasi paborito ko yan chaka isa pa, dun ka makikilala diba. Pag sinabing Pink o ikaw na yun. Identity ba. Tanong mo kahit saan dito kung sino yun naka-pink, e ako ituturo. Yan gusto ko rin yan (sabay turo sa dumaan na naka neon green na rashguard).

Kasama rin namin si Maam Joy sa mesa, na nagpapahinga lang at nag kukwento din.

Manong Abe: Grabe pala layo ng Bali, dalawang sakay!

Ate Joy: Oo nga dalawang sakay. Ok lang naman. Anong ba mga ginawa mo sa Bali.

Manong Abe: Wala. Beer lang ako ng beer. Hahaha.

TJ: Masarap ba beer nila?

Ate Joy: Bintang yun sa kanila, wala silang San Miguel.

Manong Abe: Ah yung Bintang. Ayus lang.

litrato mula sa Facebook ni Ate Joy. Katabi ng Minute Maid yung Bintang. Oi meron pang Fanta o!

Manong Abe: Walang hiya. Alam mo kapag nasa Indonesia ako, akala talaga nila local ako. Kinakausap nga ako ng Indonesian. Wala ako maintindihan. Pag nasa Bali ako, akala nila taga Java ako. Pag nasa Java naman, akala taga Bali lang ako.

(tawanan)

Joy: E manong ilan taon ka na nga bang instructor dito satin.

Manong Abe: Ah kung susumahin mo, one month.

(tawanang malakas na malakas)

Manong Abe: Kasi dati hindi talaga ako marunong mag surf. Nood nood lang. Yung mga bata lang nag lalaro. E shempre  ok din na makapagturo ka diba. Maglaro ka na tapos kikita ka pa. Madali mag turo kaso shempre kelangan mahusay ka rin. Baka sabihin ng tinuturuan mo, “sige nga ho pakita nyo kung pano”, tapos hindi ka pala marunong. Edi patay na (tawanan). Inaral ko ng inaral hanggang sa matuto. O tignan mo andyan na yung mga koreano (sabay turo sa mga turistang mga koreano).

Manong Abe: Sa lahat talaga ng tinuturan ko, yang ang pinakamahirap. Ay talaga. Tignan mo yun board o, hinahatak sa buhangin sisirain yung fins! (sabay turo sa koreano na hinahatak yun long board  sayad na sayad sa buhangin, tawanang malakas na malakas).

Manong Abe: Pero ok lang yan. Dito talaga kasi mababait ang mga tao. Respeto lang naman sa mga lokals. Pero pag andito ka aalagaan ka talaga. Walang problema kung ano man.

Ate Joy: Ako naman tubong Davao talaga…

Manong Abe: O anong ginagawa mo dun, taga hukay ng Durian?

(tawanang malakas)

Meron dalawang sexy na kababaihan na napadaan at bumati.

Chicks: Kuya Abe! O ano na!

Manong Abe: Oi kmusta kayo. (sabay tingin sakin)

Manong Abe: Mga guests ko yan. Minsan nakiki-jamming jamming sila.

TJ: Naks naman.

(tawanan malakas na malakas)

TJ: Manong may Facebook ho ba kayo?

Manong Abe: Meron pero hindi ko alam. Tanong mo na lang sa “staff” ko.

(tawanang sobrang malakas)

Manong Abe: Oo nga. Staff ko nag bubukas nun. Tinatamad ako sa mga ganyan. Tignan mo nlng ako sa YouTube. Hanapin mo San Juan, La Union andun ako. Naka pink.

(tawanan ulit)

ito yung video ni Manong Abe, nag lelessons at pink na pink!

Umalis na si Ate Joy. Marami rin syang magagandang naibahagi, saka ko na ikukwento. Naupo naman si Junior.

Manong Abe: Itong si Junior. Mabait to. Mabait na bata. Wala ako masasabi. Mabait to talaga. Si Junior yan. Mabait talaga to.

Junior: tahimik lang, awkward moment.

(tawanan malakas)

Manong Abe: (Sumitsit sa ibang mga instructors) Ok na ba? Magtuturo na ko!

Manong Abe: Yung mga tinuturuan ko naman walang problema kung nakainom ako o kung ano man. Importante safety parin talaga. Hindi ko sila pababayaan. At saka sinasabi ko na nakainom ako, sinasabi naman nila ok lang, kasi nakainom din sila. Hahaha.

(tawanan)

At yung na nga. Nagtayuan na kami upang bumalik sa pag surfing. Si Mr. Pink ay lumapit na sa kanyang mga tuturuan. Normal lang. Parang hindi nakainom. Ako naman, nagtali na ng leash at nag paddle na sa lineup. Habang nagiintay ng alon natatawa parin ako sa sarili ko sa mga napagkwentuhan. Nakikita ko rin si Manong Abe mula kung nasaan ako, naka pink na Zinka Nosecoat at naka pink na shades. Cool na cool. Tama nga ang pilosopiya niya. Dahil sa dinami dami ng makukulay na karakter na makikilala mo sa beach at sa pag susurf, katangi-tangi talaga ang kulay nya at tatatak na sa isip mo si Mr. Pink. Talagang isa sya sa mga lokal ng Urbiztondo na punong puno ng kulay, sa loob at sa labas. Sa inyong pagbisita siguradong mapapansin ninyo si Manong Abe. Kung sakaling makita nyo sya, bigyan nyo ng high-five at sabihin nyo na nakita nyo sa sya sa YouTube. Iyon ay magandang simula ng kwentuhan.

hindi ko lang natanong, kung maka Manny Villar din sya :)

*Sanay nagustuhan nyo ang aking sulat na tagalog. Halatang hindi sanay ano? Malayong malayo kay ginoong Pedro Dandan. Hehe. Pero itong latest magazine ng Yabang Pinoy ay maganda ang pagkakasulat at maraming magandang litrato. At tungkol ito sa surfing! I-download nyo dito:

http://www.yabangpinoy.com/magyp/MAGYP3RDISSUE.zip

Hanggang sa muli! Harinawa ay magkita-kita tayo sa lugar kung saan hinihintay ang alon (lineup) at sumagwan gamit ang mga braso’t kamay (paddle) upang tumayo sa mahabang kahoy para masakyan ang mga alon (surfing) hanggang umabot sa pangpang (long ride). Ang sarap sa kaluluwa na hindi ko mawari! (stoked).

*thanks Mimi Domingo sa pics at sa Agos Pilipinas :)

Pin It

lokalsoul

20 Comments

  1. i remember this afternoon vividly.
    and how at the cold of 6am, Mr.Pink already has a beer in hand. Good times :)

  2. ang dami pala talagang nakakakilala kay Manong Abe. hahaha.

  3. The first time I went to La Union, si Kuya Abe ang unang nakilala ko. Napatingin ako dahil napaka bright ng suot nya. Kasi pink nga. Hahahaha

  4. sa mag 9 years kong kilala yan si Manong Abe hindi ko naman kailangan alokan yan ng beer para mag kuwentuhan at mag tawanan kami. Tatabi lang ako sa kanya sa Kubo ayos na. Kaya Manong Abe bawas bawasan na ang pag inom ha.

  5. natutuwa ako sa blog mo. at ito ang favorite ko sa lahat ng blog entry mo. haha

    gusto ko rin makapunta sa la union. sa zambales palang ako nakakasurf eh. sana mameet ko rin si mr. pink. :)

  6. that means manong abe has to be responsible enough to say no when someone cared to offer him a beer, specially if he’s gonna do the ‘surf instructor’ lifestyle afterwards.

  7. @Mon

    salamat sa pagbasa ng blog. haha. ito nga rin ang favorite ko. onga hayaan mo minsan mag surf trip tayo sa La Union!

    @Mariowarner

    agreed. im not gonna buy him beer, but im just gonna surf and learn from him all day.

  8. oh my! i just saw this blog now.. kuya abe was my first instructor way back 2 yrs ago.. he’s super funny, swear! and after every lesson, we always go to the kubo to have a drinking session.. hahaha!

  9. @Sheina nice! he is a jolly guy indeed. thanks for reading this blog and we hope you share it with your friends :)

  10. kuya abe!!! na-miss ko ang inuman… it’s been more than 5 years since i last surfed. sobrang miss ko na ang elyu, lalo na ang lokals. looking forward to getting stoked again. soon i hope…

  11. this is so awesome, you wrote about manong abe!! good job. he’s really a character in the LU surf scene!! xoxo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *